| |||
|
|
|
||||
|
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated August 11, 2009 12:00 AM Para sa isang pinupupog ng papuri ng kanyang direktor dahilan sa kanyang kahusayan umarte at sa ipinamamalas niyang pro*pe*syonalismo sa kanyang trabaho, napaka-insecure pa rin ni Bea Alonzo sa kalalabasan ng kanyang first film venture na wala ang kanyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz at sa halip dalawang maituturing na baguhang aktor ang ibinigay ng Star Cinema para makapareha niya sa tinatayang isang napaka-romantikong istorya ng taon. “Walang problema, naging komportable naman ako sa kanila. Nagbibiruan pa nga kami bago kinunan at maging nung kinukunan na ang aming mga kissing and love scenes,” pagmamalaki ni Bea. Ibinuking naman ng director mismo ng pelikulang And I Love You So si Bea nang sabihing tinablan si Bea sa kanyang mga kissing scenes. “Nakita ko kinakabahan siya at nang take na ay nanginginig pa siya pero dahil magaling na artista madali siyang nakakabawi,” patotoo pa ng guwapong si direk Laurenti Dyogi. Si Bea ang isa sa mga reasons kung bakit binalikan niya ang pagdidirek ng pelikula. Kuntento na sana si direk sa trabahong ginagawa niya para sa ABS-CBN pero dumating ang pagkakataon na makapag-direk muli kaya tinanggap niya ang hamon. Hindi lamang naman sa And I Love You So lumabas ang galing sa pag-arte ni Bea. Bago pa ito talagang humahanga na siya sa batang aktres. “Nakita ko ang willingness niya to learn. Nagtitiwala rin siya sa akin, ginagawa lahat ng ipagawa ko sa kanya, yung mga lovescenes, kahit alam kong may nerbiyos siya. Sana mabigyan pa siya ng maraming solo projects, kaya niyang magdala ng pelikula,” sabi pa ni direk Laurenti. When asked kung pwede ba siyang manalo ng award bilang isang new bride na nawalan ng asawa sa movie, sinabi ni Bea na hindi siya partikular sa award. Kung sakali man, bonus na lang ito. “Wala akong craving sa award. Basta lahat ng roles na gawin ko ibinibigay ko ang best ko,” sabi niya. Bukod sa local showing ng And I Love You Sosa buwang ito sa mga sinehan simula bukas, meron din itong international premiere sa Aug. 22 sa Osceola Performing Center, Orlando, Florida at regular international screenings sa US, Aug. 14- Sept. 17, at sa Canada sa Aug. 21- Sept. 18. * * *
Eh talaga namang ang orihinal na Korean version ng Only You ay maiksi lamang eh, bakit ang daming nagugulat sa nalalapit na pagtatapos nito?Obvious lang na maganda ang pagkaka-adapt nito sa Pilipino kung kaya ayaw pa ng mga manonood na matapos ito. Isang dahilan din ay ang hindi inaasahang chemistry na nakikita sa pagtatambal nina Angel Locsin at Sam Milby. Maraming manonood ang kinikilig sa kanila. Sayang din at shortlived yung closeness ng mga characters nina Diether Ocampo at Iya Villania for each other. Pwede na sana ang charater ni Iya para kay Jonathan para hindi ito magmukhang kawawa kapag natuloy na sina TJ at Jillian. Lahat ay nag-aabang sa magiging katapusan ng serye. * * *
Marami ang natutuwa sa pagbabalik-pelikula ni Danilo Barrios. Marami ang nag-akala na tuluyan na nitong tinalikuran ang pelikula in favor of fatherhood. Kahit na sa Streetboys ay hindi siya nakakasama.“Hindi ako ang umayaw, talagang walang dumating na offer. Mabuti na lamang andyan ang family ko to support us. At mabuti na lamang na nung marami akong trabaho ay hindi ako naging bulagsak kaya nakapag-ipon ako. Ito ang nagtawid sa amin nung wala akong trabaho,” sabi ng balik-showbiz na artista na kasama ngayon sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, sa Tiagong Akyat episode na si Gerald Anderson ang nasa title role. * * *
Pumayag na si Paw Diaz na maging cover ng isang men’s magazine, kelan naman kaya susunod si Erich Gonzales? Parehong produkto ng Star Quest ang dalawa.Kahit inamin ni Erich na hindi pa siya handa para mag-pose ng sexy sa men’s mag, ang pagpayag niya na tumanggap ng hindi lamang sexy kundi mature role sa Katorse ng ABS-CBN ay isang indikasyon na pwede na siya, handa na siya. Katunayan, bukod sa mga lovescenes, nagkaanak pa siya sa Katorse. Obvious lang na pinatatanda pa ang kanyang imahe para sa nasabing serye, kaya hindi pa ito ipinalalabas. Dalawa ang kapareha niya rito, sina Sean Lim at EJ Falcon. May role rin siya sa Tiagong Akyat at may kissing scene na naman siya kay Gerald Anderson. “Sa ngayon, mga ganitong eksena pa lamang ang kaya ko. More than this, hindi pa siguro. Ayaw ko munang magsalita ng patapos at baka kainin ko. Pero kailangan ko pa ng panahon,” sabi niya during the presscon for Katorse.
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
|
|
||||
|
Candy Pangilinan wiser now in her relationship with director GB Sampedro
Archie de Calma Monday, August 10, 2009 04:49 PM ![]() "Forever sidekick" ang impression kay Candy Pangilinan sa mga nagagawa niyang pelikula, but she doesn't mind. In fact, sa And I Love You So ng Star Cinema, in-enjoy na lang niya ang role bilang best friend ni Bea Alonzo. Kahit ganoon, hindi naman niya makuhang magreklamo. Paliwanag ni Candy, "It's still a role na kailangang alam ko kung paano susuportahan ang bida, at kung paano ko siya mapapalutang. Yun na lang ang iniisip kong pinaka-challenge ng ganitong klaseng portrayal. Hindi puwedeng sarili ko lang ang isipin ko every time na makakaeksena ko si Bea, o yung iba pang artista dito. Kailangang makipagtulungan ako kung paano mapapabongga ang mga eksena, na hindi ako sumasapaw." Dahil comedy naman ang nature ng portrayals ni Candy, she sees to it na hindi lumabas na self-conscious ang pagpapatawa niya. "Mas natural, mas maganda. Yung parang fact of life lang na nangyayari sa isang tipikal na eksena sa tunay na buhay," ani Candy sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). PERSONA NON GRATA. Sa ganitong pamantayan, masasabing napahamak din si Candy. Ito nga yung nangyaring pagbugso ng galit ng mga kapatid nating Igorot na hindi sinasadyang nakapagbitaw ng mga salita si Candy, something like, "Pasensiya na po, tao lang, hindi po Igorot." "Naging persona non grata ako sa Baguio," sabi ni Candy. "Nag-alala rin ako because I didn't mean any harm. Talagang nagpapatawa lang ako, and that's the time I realized naka-offend talaga ako. Nagpunta talaga ako sa Baguio para kausapin ang mga kinauukulan para maisaayos ito, kahit sinabi pa nilang banned ako roon." Hindi sanay si Candy sa ganito katinding gulo. Humanga naman ang mga katutubo sa tapang ng loob ng komedyana na harapin sila para humingi ng dispensa. "Kasi naman, malinis ang intensiyon ko. Through such process, nalaman ko kung saan sila nanggagaling. Naiintindihan ko rin, kasi, they have suffered so much discrimination. Hindi natin maiaalis na ganoon ang feeling nila, hindi lang sa mga Igorot, kung hindi sa iba pang minorities," saad niya. Wala nang ban kay Candy sa Mountain Province at naibiro nga ni Direk Laurenti Dyogi na ang pelikula nilang And I Love You So, finally, ay maipalalabas sa Baguio. DIREK GB. Isa pang matinding intriga ngayon kay Candy ay ang rumored relationship niya sa Cinemalaya Best Director (for Astig) na si GB Sampedro. Sinabi nga ni Candy na hanggang ngayon, hindi rin niya matiyak kung ano na ba ang status ng ugnayan nila. "Ini-enjoy lang namin. Kung ano ang mangyayari, tingnan na lang natin. Pero ang masasabi ko lang, sa tindi ng napagdaanan ko sa unang relasyong napasukan ko, I know better now," aniya pa. Ito ay may kaugnayan sa mga balitang kesyo paglalaruan lang siya ng nabanggit na direktor dahil numero uno raw itong babaero. Nagulat si Candy sa balitang ito. "Ngayon ko lang narinig 'yan. Pero naiisip ko, okey na siguro 'yan kaysa matsismis na lalakero siya. Mas ikaloloka ko yun!" biro ng comedienne. Dagdag niya, "Pero nagsasabi naman si GB sa akin ng kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin about his past. Kung mayroon siyang ayaw sabihin, respeto ko na rin lang sa kanya yun. Hindi naman ako yung tipong nagtatanong. Basta tama na sa akin yung ganito na muna kami, kaya hindi ako basta nagpapaapekto sa mga ganyang chika."
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Joey de Leon writes satiric ballad against Willie Revillame
Mark Angelo Ching Monday, August 10, 2009 05:43 PM ![]() Kapamilya TV host Willie Revillame is currently under heavy fire due to remarks he made in his noontime show Wowowee during the transfer of former President Cory Aquino's remains from La Salle Greenhills to Manila Cathedral in Intramuros, Manila last August 3. An online petition to ban Willie from television, for instance, now has collected a total of 33,215 signatures. The controversial host has taken a leave from Wowowee since last Saturday, August 8. In an exclusive interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) yesterday by editor in chief Jo-ann Q. Maglipon, Johnny Manahan, head of Star Magic and director of Wowowee, defended Willie. He said all the noontime host wanted to do was to remove the video clips of Cory's transfer off the air, because airing the news footage alongside Wowowee was "disrespectful" towards the Aquinos. (Click here to read related story) "We would be disrespecting the departed President and her family. This is what he meant to say. Unfortunately, Willie, in his disappointment, did not choose his words too well. Instead of saying, 'Nagluluksa sila doon, nagkakasayahan kami dito! Maganda ba 'yon? Parang binabastos namin yung mga nagluluksa. Please tanggalin ninyo na lang kami. Kaya ituloy ninyo na lang ang coverage ng luksa. But do not do both at mababastos ang mga nagluluksa," Mr. M said. The Wowowee director added that the unfortunate choice of words also gave Willie's "professional enemies and detractors" the chance to "disparage and attack" the host. He believes, however, that these foes would not win. "His enemies could not be happier stoking the heat and fires on the airwaves. Willie may seem arrogant and insensitive sometimes—but not this time. His enemies will have to wait for another time," he said. JOEY DE LEON. In a recent development, however, Eat Bulaga! host Joey de Leon, one of Willie's most outspoken "professional enemies and detractors," did not pass up the chance to hit the Wowowee host. In his column in The Philippine STAR published yesterday, August 9, the veteran comedian-TV host presented a poem he composed that pictured Willie's "arrogance, stupidity, and unprofessionalism." Titled "The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally," a part of the Filipino poem read: "Ang sabi ng iba—istupidong mayabang/At giit ng iba—istupidong mayaman/Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan/Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan." Joey's poem also recalled Wowowee's "cheating scandal" two years ago, the height of the two hosts' highly-publicized argument. Joey and Willie had been natural opponents because their shows, Eat Bulaga! and Wowowee, compete for viewers on the same timeslot. The scandal, however, further escalated the tension. (Click here to read related story) The poem read: "Tapos ng angalan, sunod paliwanagan/COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!/O ito kaya ay isa na namang 'glitch' lang/Tulad ng 'two-zero' 'di na natin nalaman." Here is the complete poem: The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally Wala na sa piling ng mga Pilipino, Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko, At lumisan na rin noong isang Sabado, Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko. Ako'y sumasaludo, paalam Pangulo, May isa 'kong lihim, kay tagal itinago, Sa lahat nang inabot kong mga namuno, Tanging ikaw lang sa luha ko'y nagpatulo. Marami ang nalungkot sa iyong pagyao, Magalang ang lahat at puno ng respeto, Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa 'yo, Dahil kanilang himpilan naibalik mo. Subalit ano itong nabalitaan ko? Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto, Habang inililipat ang mga labi mo, Ika'y parang nabastos sa isang TV show. At ang napakasaklap at masakit dito, Ang nambastos pa'y kapamilya ng anak mo, Napanood ito ng tao at publiko, Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo. Sabi ng TV host na mainit ang ulo Pagkakita sa video na kanyang kasalo, "Sandali, meron akong ano... sa'ting ano... Hindi naman sa ano," nagkaanu-ano! Ayon sa Internet, meron pa s'yang nasambit, "Sana pakitanggal muna 'yan sa'ting traffic..." At 'di maaalis sa iyong pag-iisip, Ang parada ng patay ang pinaliligpit! At dagdag pa daw ng naghahari-harian, "I don't think na dapat n'yong ipakita iyan..." Nasaan naman ang paggalang, o nasaan? Mga sinasabi natin minsa'y pag-ingatan. At 'di pa nangimi nang sumunod na araw, Pinilit pa ring ginawa n'ya ay tama raw, Mga nakarinig 'di na nakagalaw At ayon sa iba sila na la'y napa-wow! "... Pero ako, totoo 'ko eh ... ", sabi kuno, Totoo nga at totoo ring walang modo, Pwede namang sabihin itong pa-sikreto, Kaya't wala na rin mga paliwanag mo. "Kung ganyan, pakita na lang 'yan!", ang hamon pa, Para bang ang prusisyon nila-"lang - lang" lang ba, Ang pangasiwaan ay pinapili pa n'ya, Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s'ya. May mga komentong pwede nang pang-harapan, "On camera" baga sa TV ang tawag d'yan At kung sensitibo man ang gustong bitawan, Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang. Matutong magbaba muna ng mikropono At saka idikta lahat ng iyong gusto, Lagi kang mataas lahat daw takot sa 'yo, Ratings lang ang mababa — totoo ba ito? The breaking news breaks your heart — at 'yan ang bawi mo, Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo, Pero sigurado ika'y maa-abswelto, 'Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n'yo? Nung Hueves nag-apologize sa diario naman, O, akala ko ba wala kang kasalanan, Tapos ng angalan, sunod paliwanagan — COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman! O ito kaya ay isa na namang "glitch" lang, Tulad ng "two-zero" 'di na natin nalaman, O ito ay maliwanag na kabobohan? Sa tingin ng marami, mahirap lusutan. Ang sabi ng iba — istupidong mayabang, At giit ng iba — istupidong mayaman, Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan, Napakayaman n'ya sa kaistupiduhan. Buti pa ang apat na honor guards ni Cory — Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente, Walong oras tumayo sa ulan at viaje, Ang lahat ay tiniis at walang sinabi. Samantalang ikaw na may bubong sa ulo, Komportable ka lang sa malamig na studio, Nang kapirasong libing sa TV sumalo, Angal at inis ang sumambulat sa iyo. Maaari din namang pabayaan na s'ya, Subalit ang nangyari'y mabigat talaga, Namayapang pangulo'y huling paalam na, 'Di mo pa pinagbigyan ... hoy, nag-iisa ka! At nais ko lang sabihin at ipagyabang Sa mahigit na s'yam na libong tanghalian, Sa limang pangulong sa Bulaga'y dumaan, Kahit isa wala kaming nilapastangan.
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Kris Aquino on Willie Revillame's remark: "We accept his apology."
Erwin Santiago Tuesday, August 11, 2009 12:45 AM ![]() Limang araw pagkatapos mailibing ang mga labi ni dating Pangulong Corazon Aquino ay muling nagbalik sa trabaho ang bunsong anak niya na si Kris Aquino sa SNN (Showbiz News Ngayon) kagabi, Agosto 10. Ang SNN ang late night showbiz-oriented show ng ABS-CBN na hinu-host ni Kris kasama si Boy Abunda. Bukod sa pagpapahayag ni Kris ng kanyang saloobin at pagsisiwalat ng kanyang mga susunod na hakbang ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ina, nagsalita rin ang TV host-actress tungkol sa kapwa niya Kapamilya na si Willie Revillame. Muli na naman kasing nasa gitna ng kontrobersiya si Willie. Ito ay nag-ugat sa pagpapatanggal niya ng live feed ng procession ng paglilipat ng mga labi ni Pangulong Aquino mula sa La Salle Greenhills patungo sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, noong Agosto 3. Marami ang hindi nagkagusto sa paraan ng pagsasabi ni Willie na tanggalin ang live feed ng cortege habang umeere ang hinu-host niyang noontime show na Wowowee. (Click here to read related story.) Maging ang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board na si Ms. Consoliza Laguardia ay hindi nagustuhan ang ginawa ni Willie. Ayon sa MTRCB Chair, nilabag ni Willie ang broadcast code of ethics ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at ang Sec. 3 ng Presidential Decree 1986—"being objectionable and contrary to good customs and tradition." Ilang grupo rin ng mga mamamahayag—National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamahayag (Afima)—ang kumondena sa naging pahayag ni Willie. Samantalang may mga online petition na rin sa Internet upang i-ban ang TV host sa telebisyon. (Click here to read related story.) Subalit para sa pamilya Aquino, ayon kay Kris, pinapatawad nila si Willie sa ginawa niya. Narito ang buong pahayag ni Kris sa SNN kagabi tungkol kay Willie: THE AQUINO FAMILY SPEAKS UP. "First of all, Friday [August 7] ko lang nalaman lahat," simula ni Kris. "Hindi natin alam kung ano ang mga nagaganap, kasi nandun ka sa sitwasyon na 'yon [pagyao ni President Aquino]. Friday, it so happened na mag-aayos kami ng mga gamit ng Mom sa Times [Street, tahanan ng mga Aquino]. So si Ate Ballsy [panganay sa magkakapatid] at Pinky [pangalawa sa pinakamatanda] went to the house. "So I said... Thursday night [August 6] kasi nakausap ko si Willie. Pero vague, I mean, hindi klaro. So, Friday namin pinanood sabay-sabay sa YouTube [yung statement ni Willie sa Wowowee]... We didn't really get to talk about it much kasi nagpunta na kami ng Times at nag-ayos na kami ng mga things ni Mom. "But on our way—so this is Friday—Willie asked, 'Puwede ko bang makausap yung mga kapatid mo?' So, kinausap niya si Pinky. Si Pinky yung una niyang nakausap. And then, sinabi ni Willie sa kanya na nagsu-sorry siya talaga. What Pinky said was, 'Alam mo, napanood namin at nakikita naman namin na hindi yung intensiyon ang masama. Yung pamamaraan ng pagsabi no'n ang puwedeng maka-offend sa ilan. Pero Willie, naiintindihan ka namin.' "Sorry siya nang sorry kay Pinky, and Pinky said, 'As far as I am concerned Willie, it's finished, let's move on. Okay, we accept your apology.' "Sunday [August 9], nagla-lunch kami, nag-text si Willie and he said, 'Puwede bang makausap ko kayong lahat?' So, feeling ko naman, in our family, si Ate ang dapat makausap niya talaga. So, I gave Ate the phone. Again, Willie explained and said he was sorry. "TINATANGGAP NAMIN ANG APOLOGY MO." "This is the part I would like to share with everybody," patuloy ni Kris, "I got certain text messages before coming here na kung ide-defend ko daw si Willie, parang binastos ko na ang Mom. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na Willie can very well defend himself. Pero ito po ang namagitan between him and our family. "Nung nagsu-sorry si Willie kay Ate, I didn't even know this, Boy... Sinabi ni Ate sa kanya, 'Alam mo Willie, nung time na nagkaroon ng problema yung puso mo, we were here—in Ate's house dun sa lanai—kakakain namin ng dinner, naka-on yung TV sa TV Patrol. Niyayaya na namin si Mom na pumasok sa kuwarto kasi time na para mag-rosaryo.' Kasi every night, sabay-sabay silang nagpe-pray. And then Mom said, 'Wait, I want to know kung kumusta si Willie.' And then, Ate told Willie, 'Alam mo, Mom really loved you. She really appreciated the fact na ang bait mo sa mga anak ni Kris.' And sinabi ni Ate sa kanya, 'Willie, as far is our family is concerned, nag-sorry ka na, tinatanggap namin ang apology mo.' "We are not MTRCB. We are not ABS-CBN. We are not KBP. But we are the Aquino family. And for our family, we take Willie's apology for what it is—an apology. And we accept the apology. "Wala po sa kamay namin ang mangyayari in the future. Pero I can speak on behalf of myself, my sisters, and my brother, we accept his apology." Kasalukuyang naka-indefinite leave si Willie sa Wowowee.
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Kris Aquino will not run for office in the near future, wants to have another baby instead
Erwin Santiago Tuesday, August 11, 2009 10:45 AM article Balik-trabaho na si Kris Aquino limang araw pagkatapos ilibing ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino, na sumakabilang-buhay noong August 1 dahil sa mga kumplikasyong dulot ng colon cancer. Kagabi, August 10, ay sumipot na si Kris sa programa nila ni Boy Abunda sa ABS-CBN na SNN: Showbiz News Ngayon. Ang buong programa ay nag-focus kay Kris upang maibahagi niya sa publiko ang mga plano niya at ng kanyang pamilya ngayong wala na si Pangulong Aquino. "I'LL ONLY DANCE WITH NINOY." Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng WCOPA champion na si Rhap Salazar ng "Dance With My Father" ni Luther Vandross. Binanggit ni Kris na ni-request daw niya talaga ang kantang yun. Paliwanag niya, "I asked for that song. Kasi, my brother-in-law Dodo [Dee, Viel's husband] told me that when he heard daw [a congressman] from the States, na-mention daw niya na niyaya si Mom to dance. Sinabi daw ng Mom na, 'I've only ever danced with Ninoy, and the only time I will dance again is 'pag kasama ko na siya ulit.' "And na-mention ko naman mahirap bumalik sa trabaho na hindi manonood ang Mom," patuloy ni Kris. "Pero kasi talaga, the whole way here, bini-visualize ko talaga na magkasama sila, na Mom's with Dad, and she's happy. Although she misses us, but she's happy. So, sabi ko, kakayanin ko, kasi okay na ang Mom. So, dapat kami dito maging okay din. "She's watching us now and praying 'I hope she behaves herself and I hope she doesn't say too much.'" NINE DAYS. Unang ipinakuwento ni Boy kay Kris ang nangyari sa pa-siyam para kay Pangulong Aquino noong Linggo, August 9. "True to form, kasi the Mass was in Ate's [Ballsy] house, the handa was in Pinky's house. Ang palaging nale-late, ako, si Dr. [Alex] Ayco, at si Noy [Sen. Noynoy Aquino]. So, in that order kami dumating... Sorry po, sorry, Mom. Dumating ako, pa-start yung Gospel... Puwede na since umabot sa Gospel. Si Dr. Ayco, dumating nung Offertory. Si Noy dumating, Communion. "Marami kasing mga gatherings ang Mom na Ella's would be catering, so they asked kung puwede sila and niregalo nila. So we just had very simple lang talaga na meal. "Those who work really closely dun sa lahat ng arrangements and all, kasama namin. And then, kasi atribida ako, 2:45 [p.m.], sabi ko, 'Let's go, we have to pray, let's go na!' Kasi si Father Arevalo baka pagod na, so pumunta kami ng Manila Memorial. "Kasi, di ba, I gave nung birthday niya [Pres. Aquino] ng 2008, right before we discovered her cancer, I gave her a Grandia? Tapos, sa akin na ulit. Sabi ng mga kapatid ko, it was in my name naman daw dahil hindi na trinansfer sa Mom, so mga kids ko na daw gumamit. So, 'yon at the other van ang ginamit to go with Father Arevalo and all of us. "Tapos, mapa-proud ka kay Josh. Kasi, after the entire rosary dahil nakagawian nila ni Mom talaga to pray and sing the 'Hail Mary,' so he really said, 'Wait, we have to sing 'Hail Mary' for lola.' "Tapos, the kids wanted [to go to] Enchanted Kingdom. Sabi ko, 'Malayo, hindi puwede.' Tapos, sabi ko, 'Kuya, puwede Timezone na lang?' And then, naghiwa-hiwalay na kami. "And then, personally, lahat ng mga tumulong, kumanta, nag-alay—about 50 people—I bought personal thank-you gifts from the family. Inako ko na 'yon. I told my sisters, lahat ng nagpadala ng food... Kasi ang Mom, bawal yung form letter. Lahat ng cards, inisa-isa ko talaga, personalized na pagte-thank you. The rest, baka sabihin nila, 'Nandun ako, ba't wala?' Bukas [Aug. 11] ang delivery ng sa inyo kung nanonood kayo. "And then, wala na. That was it. That was what happened yesterday," kuwento ng bunsong anak ni Cory Aquino. THE HOUSE ON TIMES STREET. Tanong ni Boy: Ano ang mga plano ng bawat isa sa inyo. Talk about the Times house—gigibain ba ito, are you going to construct a new house? Are you going to take care of Noynoy? Can you tell us what's gonna happen? "Boy, puwede ko nang isabay yung sagot, kasi it's about politics also?" pauna ni Kris. "At this point po, I'm still not ready to be a politician. Marami akong obligasyon. "The first and primary obligation, Josh and Baby James. By 2010, Baby James won't even be in pre-school. Pangalawa... And please don't take this the wrong way, hindi ko po minamaliit ang kakayahan ni Noy [Sen. Noynoy Aquino, Kris's only brother]. Kaya lang, honest politician siya. Naka-nine years siya sa Kongreso. He is going into his second year on the Senate. If you based it kung ano lang talaga ang sinusuweldo ng congressman at senador, yun lang naman talaga yung kay Noy, he can't afford. So I promised mom... "Yes, ang Times Street, gigibain namin. At ang hiningi lang ni Noy sa akin, dalawang kuwarto for him and a meeting room. So, because alam mo naman ako, feeling ko ako ang magbabayad, so puwede ako magsabi, 'Josh needs a pool.' Sabi ko, 'And Josh needs play room. He needs a tutorial room because yun yung special sa kanya. Diyan siya nagtu-tutoring lahat.' "And then, sabi ko, 'Tapos Noy, pag magkakaroon tayo ng reunion...' Nakapangalan na po kay Noy [yung house], pero ako ang dikta nang dikta. Sorry, Noy... Parang deed of donation. Pero sabi ko, 'Yung open kitchen gusto ko, ha? Kasi diyan tayo magre-reunion.' Tapos, sinabi ko rin, 'May rooms ang mga anak ko para they'll spend time with you para hindi kung sinu-sino iuuwi mo.' Sorry, sorry Noy!' Hindi naman niya gagawin 'yon! "Tapos sinabi niya talaga sa akin, 'My God, you mean you're really gonna live with me?' Sabi ko, 'No, two to three nights in a week, I'm there. Pero apart from that, you'll have your privacy, kasi baka naman mabuwisit ka na sa amin masyado.' But Noy asked me a few months. Kasi sinabi niya, 'The structures here are very, very important,' and parang makahulugan sa puso niya, 'give me time to adjust.' Pero meron siyang lilipatan na maliit na condominium na pinagmamay-ari ng kaibigan nating si Jerry Acuzar. Na papahiram muna niya kay Noy habang nagko-construct kami," mahabang kuwento ni Kris. How long is Noynoy asking? "Sabi ni Noy, 'Give me about three months.' And then, sinabi also na, 'Noy, pag ikinasal ka naman na, out na kami. It's not like na makikipagsiksikan pa kami. Pero si Josh can go anytime... Siyempre naman, si Josh 'yon." (Binanggit ni Noynoy sa hiwalay na interview na since 1961 pa raw sila nakatira sa bahay nila sa Times Street sa Quezon City.) Patuloy ni Kris, "Tapos, Boy, ipaliwanag ko lang po, I want to be able to continue everything Mom started as far as NGOs are concerned. And I feel I'm in a good position to do that. Maraming proyektong magbe-benefit yung mga scholars ng Dad, dun sa Aquino Center in Tarlac, na tutulong dun sa micro-finance at dun sa feeding program na malapit sa puso ng Mom at talagang tinutulungan niya. So, I feel dahil sa trabaho kong 'to, I'll be in the best position to do that. "Kasi dun sa ospital, pati yung pananamit ni Noy at pati grocery niya, sinabi ko kay Mom, ako na ang bahala. So sana ho maintindihan ninyo, kailangan kong magtrabaho, hindi lang para sa aking pamilya kundi para sa in-adopt ko na pong kapatid kong si Noy." BABY OVER POLITICS. Ipinalinaw naman ni Boy kay Kris ang sinabi niya na wala siyang balak tumakbo sa anumang elective position. "2010 or 2015 seems unlikely," sabi ni Kris. "Why? I'll tell you now... I want to have another baby. I talked to James about it kasi... After Mom's funeral, before he left, he's now in China for the RP team, sabi ko, 'Nagpunta si Dr. Pastorfide [Kris's ob-gyn] sa wake, sinabi ko sa kanya, 'Doc, kaya mo akong alagaan? Kasi nararamdaman ko, kung walang sister si Josh at si Baby James... Siyempre dinidikta ko na sana maging girl... Iba talaga 'pag meron kang mga kapatid na masasandalan. And you know, Josh has special needs. Grabe yung burden kay Baby James. So, sana madagdagan if it's God's will. "I talked to James, sabi niya, 'Sigurado ka?' Kasi knowing me nga, most likely, baka four months, five months bed rest 'yan. Pero sinabi ko sa kanya, 'Habang kaya pa, subukan natin.' Kasi gusto ko talaga—sana Mom's listening and Dad's listening—to give us a girl. Para yung girl, alagaan the same way na tina-try kong alagaan ngayon si Noy. Yung mga kapatid kong babae, tina-try suportahan si Noy. "Iba talaga, Boy, kung may sister ka. Sana mabigyan ko ng sister si Josh at si Baby James. Pero kung boy din naman ang ibigay, okay lang din. Basta gusto ko sana talaga na maging tatlo yung anak ko. Sana."
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Lorna Tolentino remembers the pain of losing Daboy by helping Kris
Glen P. Sibonga Tuesday, August 11, 2009 10:56 AM ![]() Maraming mga kaibigan ang naging kaagapay ng pamilya ni dating Pangulong Cory Aquino sa kanilang pagharap sa mga pagsubok na dulot ng pagkakasakit ng colon cancer ni Tita Cory hanggang sa tuluyan na nga itong pumanaw. Isa sa mga naging sandalan ni Kris Aquino ang malapit niyang kaibigan na si Lorna Tolentino. June 7, 2008, sakripisyo rin ang pinagdaanan ni Lorna sa pagkakasakit sa cancer at pagpanaw ng pinakamamahal niyang asawa na si Rudy Fernandez. Dahil sa karanasan ni Lorna, nag-reach out siya kay Kris para maipadama ang kanyang suporta sa pamilya. Sa isang interview kay Kris sa The Buzz ay pinasalamatan niya si Lorna at in-acknowledge ang tulong na ginawa nito para ipaliwanag sa kanya ang maraming bagay na kakaharapin nila kaugnay ng sakit ni Tita Cory. Kaya naman sa live guesting ni Lorna sa The Buzz last Sunday, August 9, ibinahagi niya sa mga hosts na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez kung ano ang madalas nilang pag-usapan ni Kris kaugnay ng pagkakasakit ng cancer ni Tita Cory. Boy: "LT, kanina sa VTR, nasabi ni Kris na there's a point na Kris is calling you para magtanong ng mga katanungan and you answered all her questions. Puwede bang ibahagi mo sa amin kung ano ang inyong mga napag-usapan?" Lorna: "It's about kasi yung mga stages ng nangyayari sa mom niya. Like tinatanong niya ako near the end of Rudy, kung ano yung mga nangyayari. Like for example, kumbaga nagkakaroon na ng obstruction sa mga ducts, and then the edema, and kung ano yung puwedeng pinakamagandang solusyon. "It's so sad nga, kasi sa tuwing may aalamin siya sa akin, kailangan kong bumalik—yung lahat ng mga pangyayari ulit. Yun yung iniwasan ko before na hindi ako magsalita about noong nasa hospital si Rudy, e, including yung seven days of Rudy sa bahay, which is really mas mahirap because wala kami sa ospital. So, mas yung taranta. Nagpapasalamat ako kahit papaano, kahit sa maliit na paraan nakatulong ako kay Kris, because I know nung time nung kay Rudy, you were there, Kuya Boy and si Kris din, kumbaga sa pagtulong sa amin ni Rudy. Maraming salamat." Ruffa: "Tita Lorna, ano yung nai-share mo kay Kris sa lahat ng mga pinagdaanan ni Kris noong time na yun bago pumanaw si Tita Cory?" Lorna: "Sabi ko nga sa kanya, ang nagbibigay talaga ng strength sa kanya, ang Diyos talaga, e. It's God's grace na ganun siya katatag, hinaharap niya. Unti-unti yung pag-accept sa nangyayari. And kung papaano yung maayos at pinakamagandang way na magiging kumportable yung pasyente." Boy: "Palakihin natin ang pag-uusap, LT. Halimbawa maraming nanoonood na pareho ang pinagdadaanan. Di ba? When someone you love is in pain and in front of you, and somehow people, let's say, specific na doctors tell you na hindi na natin alam kung hanggang kailan. Di ba, more than just the physical pain, paano mo kinaya?" Lorna: "Actually, parang you'd rather be the one there, e. Mas gusto mo, sa akin na lang, sa akin na lang yung paghihirap para hindi mo makita." Boy: "Did you show your emotions to Rudy?" Lorna: "Then again, hindi puwede. Talagang ang takbuhan, banyo parati." Boy: "Talagang tatakbo ka sa banyo pag iiyak ka..." Lorna: "Doon. Doon talaga yung relief mo and silently, you're taking shower, para hindi marinig ang iyak." Boy: "LT, totoo ba na the most painful, when you see your loved one in pain at wala kang magawa?" Lorna: "Yeah, oo, yes. Kasi dun dumadating siguro yung talagang, spiritually, you should really... parang yung grace na binibigay sa iyo to have the courage and strength to really hold on to what is best for your loved one, yun." Boy: "Dasal talaga, ano? Parang 'pag bibigay ka na, ang sasabihin mo na lang, 'Lord, tulungan n'yo po ako.'" Lorna: "Oo." Boy: "At saka yung sinasabi nga sa akin ni Kris na at a certain point talaga, complete surrender. Yung, 'Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pero 'eto na ako, bahala na po kayo.'" Lorna: "Parang it's out of our hands. And you don't... parang magkakaroon ka ng 'sige na po, huwag na siyang mahirapan'. Dadating ka sa point na isu-surrender mo na talaga." Ruffa: "Tita Lorna, it's been more than a year simula nang pumanaw si Kuya Rudy, ano po ang pakiramdam n'yo ngayon? Papaano po kayo nakabangon?" Lorna: "Sabi ko nga kay Kris... I texted her again. Sabi ko, habang tumatagal, lalong sumasakit. But every second kasi, kumbaga sa bawat pinupuntahan ko siguro minsan 'pag medyo nagtatrabaho ka, naiiba nang konti yung pag-iisip mo. Pero when you're alone, when you're inside your room, my room, dun mo lalong maiisip. So, automatic kakausapin mo yung mahal mo. Lagi ko siyang kakausapin, si Rudy, and then automatic sunud-sunod na pati sa Diyos. So, lalong mas tumitibay lalo yung panalangin mo. Parang nagiging connection na e, when I talk to Rudy, I pray to God. So, yun yung parang pinakamagandang pangyayari dahil minsan nakakalimutan natin yun e, sa dami ng ginagawa natin at trabaho natin. So, mas madalas ngayon ang pagdarasal ko." Boy: "LT, mensahe para kay Kris at saka sa Aquino family." Lorna: "It's very hard. But I mean, alam ko na naging napakatatag din nila. But siguro malalagpasan nila ito. Kasi nakikita ko naman napakataas ng kanilang panalangin, ang ispiritwal nila. So, just hang on, hold on to God, and everything will follow nang tama." Boy: "Sinasabi ko ito dahil sa lahat ng pinagdaanan mo. I interviewed Tita Celia Rodriguez, she lost a daughter. Siya ang nagsabi sa akin na yung pain, you just get used to it. So, kailangan talagang magdasal nang magdasal." Matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa pinagdaanan nina Lorna at Kris na parehong nawalan ng minamahal, dumako naman ang usapan nila tungkol sa pagbabalik ni Lorna sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN via the primetime drama Dahil May Isang Ikaw. Lorna: "Yes, after Kay Tagal Kitang Hinintay. Sana po panoorin n'yo, August 24 na po. Kasama ko sina Gabby Concepcion, John Estrada, Chin-chin Gutierrez, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Karylle, my pamangkin and my inaanak, and Sid Lucero. Directed by Jerry Lopez Sineneng and Rechie del Carmen. "Ang istorya nito... kailangan talaga nilang panoorin kasi napakaganda ng istorya. Kung lahat ho ng teleserye ng Channel 2 ay lagi n'yong inaabangan. Sigurado ako na, I feel na nagiging maganda ang proyekto dahil na rin sa pagkakasulat e. Napakaganda po ng pagkakasulat ng Dahil May Isang Ikaw, na aabangan n/yo every day."
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Aquino family thanks the Filipino people
Erwin Santiago Tuesday, August 11, 2009 12:59 PM ![]() The Aquino family, through Kris Aquino, made a statament to express their gratitude to the Filipino people for showing their love and affection for former President Corazon Aquino, who passed away last August 1, after a one-year-and-a-half battle with colon cancer. Kris read the statement, which they also intend to release in newspapers, on her showbiz-oriented show SNN last night, August 10. Here is the the statement of the Aquino family with some personal comments by Kris herself: "Sa mga minamahal naming kababayan, "We know of no greater honor than the love and affection that you have bestowed upon our mother, Cory Aquino. From the gallant efforts of her doctors in fighting her cancer, to the gentle care of the hospital staff in easing her discomfort and respecting her privacy. "From the tireless efforts of the organizers and volunteers who set up logistics and main venues, to the unheralded donors who kept the supplies coming. "From the Christian brothers and the Archbishop of Manila who readily made their facilities available. And to the Philippine Armed Forces and National Police who vigilantly watched over Mom and escorted her to her final resting place. "Para po sa lahat ng participants who prayed silently, spoke so eloquently, and sang so beautifully. To all the audience, lahat po ng mga nanood, who stayed tuned to their TVs, radios, pati na sa mga Internet connections. To the countless acts of kindness, generosity, and devotion which were poignantly captured by a free press... Kailangan kong i-emphasize 'yon... Ang big difference ng burial ng Dad [Ninoy Aquino] at ni Mom, malaya tayong puwedeng maghayag at puwede nating ibahagi sa buong mundo ang nagaganap. But most especially po, the Filipino people who braved the elements for hours on end to pay their last respects and joined in the procession. "May I add, kanina napanood ko sa TV Patrol 'yong mga nagpi-field trip na mga eskuwelahan para magbigay ng respeto sa Mom at sa Dad dahil 'yon lang ang tanging paraan para maipamahagi ang history nating mga Pilipino at para mapangalagaan natin ang ating demokrasya. "Kami po, ang pamilya Aquino, we offer the humble gratitude of a Filipino family. Siguro ilang beses ko nang inulit 'yon, kami po ay kagaya ninyo, pamilya kami. We mourn our mother's loss, but we take great comfort in the love of a nation reunited. "Maraming, maraming salamat po at sana magpatuloy tayo sa ating pagkakaisa. We're very sad. But we are trying our very best talaga. "I'd like to say thank you, ang dami kong text message na natanggap also before coming here na wishing me good luck sa pagbabalik sa SNN, dahil alam nga nila noong nabanggit ko na hahanapin ko 'yon sa Mom. Salamat sa compassion, for honoring our pain, like they always say. Thanks for caring about us. Talaga namang it matters so much to our family."
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Jericho Rosales admits ex-girlfriend Kristine Hermosa is still special to him
Archie de Calma Tuesday, August 11, 2009 01:55 PM ![]() Sa pagbabalik-tambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa ABS-CBN teleserye na Dahil May Isang Ikaw, naitatanong siyempre ang posibilidad na may ma-rekindle sa pagitan nilang dalawa. Aminado naman ang dalawa na nagkaroon sila ng relasyon noon, at tahasang sinabi ni Kristine na hindi niya basta makakalimutan si Jericho dahil first love niya ito. Pero ani Jericho, "Iba na kasi ang situwasyon ngayon. May limits na rin. Mabuti sana kung walang ibang nagmamahal kay Tintin. Very open naman siya about Oyo [Sotto]. At sa akin, rerespetuhin ko na lang yun. Ayokong makigulo pa." Hindi naman daw kailangang mag-ingat ni Jericho dahil nariyan si Oyo. Kahit sinasabi ni Kristine na mahal siya ni Oyo and, in a way, mahal na rin niya ito, wala pang namamagitang serious commitment sa kanila. "Wala akong dapat pag-ingatan dahil wala naman akong masamang intensiyon," sabi ni Jericho sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nirerespeto ko lang kung anuman ang arrangement nila. Maganda nga na meron kaming magandang working relationship ni Kristine, at mas pahahalagahan ko yun." BRINGING BACK THE LOVE. Wala bang posibilidad na sa dalas ng pagsasama nina Jericho at Kristine ngayon sa taping ng Dahil May Isang Ikaw, mabalik ang init ng kanilang ugnayan noon? "Sabi nga ni Tin, hindi natin hawak ang future natin," sagot ni Jericho. "Nandoon ang possibility, but then again, I told you nga na may limits na ngayon. Hindi rin ako nagku-close ng doors, pero mahirap basta mag-entertain ng ganyang thoughts. Trabaho na kasi ang pinag-uusapan dito. Yung mga bagay na ganyan, nililimitahan na. "Special pa rin si Tin sa akin. Minsan, nalalaman ko, nagda-drive siyang mag-isa. Nagwu-worry ako. Mahirap yun kasi napupuyat kami sa taping, tapos magda-drive pa siya. Ako kasi, may driver palagi. Parang gusto ko tuloy na mag-apply na driver sa kanya!" natatawa niyang sabi. May kukunan pang kissing scenes sina Jericho at Kristine para sa Dahil May Isang Ikaw, pero nilinaw nga ni Kristine na walang halong pagnanasa yun. "Trabaho lang talaga," sabi naman ni Echo. "Hindi naman sa umiiwas ako sa kissing scenes, pero kung hindi naman kailangan, huwag na lang. Alam namin ni Tin yun, lalo kung kailangan talaga sa eksena. Kung magku-cause ng pagiging uncomfortable ng ibang tao, as much as possible, ayoko rin. I don't want to be cause of people to stumble, alam mo yun." Pinangangalagaan lang daw nina Jericho at Kristine ang pagiging role models nila. So, puwede kayang sabihin na sa pinagdaanan nila ni Kristine, kung bibigyan ng pagkakataon, ito ang pipiliin niyang balikan kesa kay Heart Evangelista? "Lahat ay part na ng nakaraan, and let's just leave it that way," sabi ni Jericho. "Pero sabi ko nga, kahit sino pa at ano pang situwasyon, open ako sa possibilities. Kaya lang, kahit sino sa kanila, hindi ganoon kadaling balikan. "Like sa amin ni Tin, alam namin yung responsibilidad namin. Alam namin kung hanggang saan lang kami. Si Heart naman ay nanahimik na rin sa sarili niyang buhay at mundo, huwag na nating guluhin." FIRST LOVE NEVER DIES. Pinamulahan ng mukha si Jericho nang banggitin ni Kristine sa presscon ng Dahil May Isang Ikaw kagabi, August 10, na ang aktor talaga ang "first love" niya. "Matagal ko nang alam yun siyempre, pero hindi ko akalaing masasabi niya yun sa harap ng maraming tao," nangingiting sabi ni Echo. Pero, first love never dies. Nasabi ni Kristine na hindi niya makakalimutan si Jericho. Pero hindi na siya in love dito, concern na lang daw ang nararamdaman niya sa leading man niya. "Hindi naman si Tintin ang first love ko, pero kailangan pa bang sabihin ko kung pang-ilan siya? Wala lang," sabi ni Echo. Dagdag niya, "Masaya kami ni Tin noong kaming dalawa pa. Solid yun. Yun ang tinatawag na rak en rol. Pinaglaban namin ang isa't isa. Alam ng mga tao na sanay ako sa dramang you and me against the world"
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Kristine Hermosa regards Jericho Rosales as her "first love"
Bong Godinez Tuesday, August 11, 2009 02:40 PM ![]() The passing of time changed their romantic feelings for one another. But it failed to alter the fact that Jericho Rosales was Kristine Hermosa's "first love." And the mere mention of the word "first love" was enough to make Jericho blush in embarrassment. "Hindi, kasi siya sanay na nalalaman na first love ko siya," Kristine teased, making Echo cringed even more to the delight of the entertainment reporters who witnessed the two ex-lovers reunite at the press conference of ABS-CBN's upcoming teleserye, Dahil May Isang Ikaw. The press conference was held last night, August 10, at the 9501 restaurant in ABS-CBN, Quezon City. Dahil May Isang Ikaw marks the comeback of Kristine and Jericho's onscreen tandem after five years of working separately. Jericho and Kristine—considered as one of the successful modern loveteams in local show business—became lovers in real life. Immaturity combined with the pressure of living up to fans' expectations unfortunately proved too much for the couple to handle. After parting ways, consequently signaling the end of their screen partnership, Jericho hooked up with young actress Heart Evangelista, while Kristine found another love in the arms of actor Diether Ocampo. FIRST LOVE NEVER DIES? It was interesting to see Kristine casually talk about her past with Echo (Jericho's nickname). Kristine's obvious ease in discussing her failed romance was a clear indication that she definitely had moved on. "Hindi ko naman siya nakalimutan, ever," said Kristine with all honesty. "Siyempre naman 'pag naging parte kayo ng buhay ng isa't isa, hindi na mawawala 'yong pagiging special." Their breakup, according to Kristine, was painful particularly on her part. In hindsight, the mestiza actress estimated that it took her considerable time to recover from the heartbreaking experience. But she acknowledged the fact that they were both young and inexperienced during the time of their relationship. "Before that [recovery stage], hindi ko kayang makita pa si Echo. Parang naiisip ko pa lang siya, nadudurog na puso ko. E, siyempre, minahal ko nang sobra 'to... Pero siyempre 'pag mga bata pa kayo, ganun 'yong feeling." REUNITED. With their past romance all behind them now, both Kristine and Echo said they're simply happy to be working with each other again. The thought that there's still clamor from the fans to see their tandem once again excite both parties. "Happy kasi magkakasama kami ulit," said Kristine. "Ever since naman talaga, kumportable ako ka-trabaho si Jericho kaya nakakatuwa kasi kapag nagkakasama kami sa eksena kumbaga meron ng chemistry." Asked on Echo's qualities that she missed the most when they were not working together, Kristine replied, "'Yong kalokohan ni Echo, 'yong pagiging kalog niya [at] pagiging maalaga." The possibility of falling in love with Echo again remains remote, said Kristine. What they currently have now is merely a "working relationship." Asked further to reconsider her position, Kristine eventually gave in: "Hindi naman natin hawak ang future natin. So, hindi natin alam kung ano'ng mangyayari sa atin... Mas maganda na hindi tayo magsara ng pintuan natin."
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
hello mga kapamilya...
super nagulat talaga aq nung nakita q ung ratings ng PT kahapon,., 2nd place ung kay Maryann sa Nationwide,., super nakaka ,.,ulit ulit na ung show na un,., no originality,.,
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() |
|
||||
|
Young singer Rhap Salazar recalls experience at WCOPA
Nerisa Almo Tuesday, August 11, 2009 02:17 PM ![]() Rhap Salazar was all smiles as he related to PEP (Philippine Entertainment Portal) his experience at the 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) held last month at the Westin Bonaventure in Los Angeles, California. He was hailed as the Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World and Junior Grand Champion Performer of the World. (Click here to read related article) The former Little Big Star's "Brightest Star" told PEP, "Masaya ako noong una po kasi matagal ko na rin pong pangarap na mag-World Championship of Performing Arts. Nagulat nga po ako nang sinabi nila na, 'Ay, this year, magjo-join ka." Sabi ko, "Sige, po!" So, hindi ko na po talaga binawi, sige na po talaga." Although he and the other members of Team Philippines registered late, they still managed to prepare themselves for the competition. "Late na rin po kasi kami nag-prepare," recalled Rhap. "Late na rin po kasi noong sinabi, so late na rin po kami nag-register, siguro po first week ng May, e, ang competition po June. Nag-voice lesson pa po ako kahit isang Sunday lang, tinuruan po ng vocalization." Aside from the short period of preparation, Rhap also admitted that he almost experienced losing his voice prior to the finals night due to extensive rehearsals. He recalled, "Noong time na 'yon, bago mag-grand finals, grabe po sila kung mag-rehearsal, parang walang bukas. Kasi po, 'yong rehearsal po bago 'yong mismong grand finals, siguro po ang rehearsal apat-ira-run through po 'yon, pati pagho-host. 'Tapos kinabukasan may tatlo pa, e, ang kanta ko pa naman po ay 'All By Myself' so mataas po. Pero nagsabi po ako doon sa director, [sumesenyas] po ako. Sabi po ng director, 'You need to reserve your voice?' Sabi ko, 'Yes.' So, pinayagan po akong hindi kumanta. [Sinabihan na lang ako], 'Practice your blockings,' kaya 'yon na lang ang prinaktis ko." Despite feeling nervous on "judgment day," Rhap still tried not to lose his confidence by asking the Lord's guidance. "Noong nasa stage po ako, bago mag-perform, kinakabahan po talaga ako," Rhap said. "So, nag-pray po ako, sabi ko, 'Lord, kayo na po ang bahala. Bantayan niyo po ako. Sana po maganda po ang kalabasan ng performance ko ngayon.' Ayun po, water nang water, pray po nang pray." As he started singing on stage, Rhap became more confident because of the audience's support. "Pagpasok ko po, nawala naman po 'yong kaba ko kasi marami naman pong pumapalakpak, [sumisigaw], 'Go, Rhap! Go, Rhap!' Ayun po, medyo nawala po 'yong kaba ko. Hindi ko na lang po iniisip na paos ako, ang iniisp ko na lang po, 'Ay, nandiyan naman si Lord, bahala naman Siya sa akin, babatayan naman Niya ako kasi nag-pray naman ako kanina.' Hindi ko po talaga malilimutan na mag-pray." START OF HIS SINGING CAREER. After WCOPA, Rhap said that he started receiving invitations for guest appearances. One TV appearance he won't forget was in ASAP, where he performed alone on stage. "Natuwa po ako noong nag-guest po ako sa ASAP, kasi po noong nagge-guest po ako sa ASAP mga two lines lang ako. 'Yong part po na 'yon, moment ko, wala akong kasama sa stage, 'yong buong kanta sa akin, marami pong nag-congrats sa akin. Masaya po!" Rhap signed a recording contract with Star Records last night, August 10, for his first solo music album. "First solo album ko po, Wow!" he exclaimed. "Siguro po ie-enjoy ko na lang po kasi first time ko. At saka inaalay ko rin po 'yon album ko sa lahat ng mga sumusuporta po sa akin noon pa. Kasi po, 'yong mga sumusuporta po sa akin, 'yong mga nag-e-email, sabi nila, 'Sana magka-solo album ka.'" He added that after wining WCOPA, many believed it would be the start of his flourishing singing career. Raph related to PEP, "Simula po nang mag-WCOPA po ako, marami naman pong natutuwa at sinasabi nila, 'Rhap, start na 'yan! Go, go, go!'
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Aiza Seguerra says decision not to guest on Wowowee born out of respect for Eat Bulaga!
Mark Angelo Ching Tuesday, August 11, 2009 04:15 PM ![]() Aiza Seguerra is one of the few young artists in showbiz who can pull off working for two rival networks—ABS-CBN and GMA-7—at the same time. The acoustic singer regularly performs in the Kapamilya network's ASAP '09 as part of the "Sessionistas" segment, and her most recent albums were also produced by Star Records. However, she also guests regularly in GMA-7 shows like Eat Bulaga! and All Star K!. She also recorded "Friend of Mine," the theme song of the primetime soap opera All My Life starring Kris Bernal and Aljur Abrenica. In the launch of her new album Aiza: Live! last night, August 10, at Mugen Bar in Pasig City, Aiza said this situation is definitely an advantage to her. She is thankful, therefore, to the managements of the two giant networks for their generosity. "Thankful pa rin ako na kahit papaano, talagang tinatawagan pa rin ako ng GMA... I mean, napapaalam naman lahat, e. I mean, wala lang bypassan, 'ika nga," she told PEP (Philippine Entertainment Portal) and other entertainment press. What Aiza wants to establish, however, is that she's not limited by either ABS-CBN or GMA-7. "Freelance talaga ako, e. Hindi ako under any networks kumbaga... So siguro yung iba na nag-a-apply for other artists nila, medyo sa 'kin, sana maging lenient," Aiza explained. The non-exclusivity, however, bears certain boundaries for her TV appearances. Since she regularly performs in ASAP '09, for instance, she cannot guest in SOP. ABS-CBN also disallows her to record the All My Life theme into an album. But if there's one show that Aiza would never guest at all, it would be ABS-CBN's noontime show Wowowee. Its host Willie Revillame even told the audience once that he never expects the acoustic singer to grace his program any day. Aiza said this firm decision is born out of respect. "Ayoko, of course, by choice... Of course, yung respeto ko is with Eat Bulaga!. Sila yung nandiyan ever since para sa 'kin. Ayokong tumapat sa kanila. Yung loyalty ko will always be with them," the former child wonder said. Aiza started in showbiz through Eat Bulaga's long-running pageant "Little Miss Philippines." She was only three years old when she won fourth-runner up in the contest's 1987 cycle. WOWOWEE ISSUE. The entertainment press then asked Aiza her opinion about the recent controversy surrounding Willie, where he asked the live feed of the procession of former President Cory Aquino's remains from La Salle Greenhills to Manila Cathedral be removed while Wowowee is still ongoing. Aiza replied that she understands Willie's reasoning, but she thinks the host still handled the situation incorrectly. "I kinda get his point, but the execution was very very wrong... Off nga naman na nagsasayawan, naggigiling-giling yung mga tao sa isang box dun. Pero sana lang, mas nasabi niya na maganda, nasa appropriate na... I mean, time. Puwede naman sa gap, e. Very disturbing, medyo sensitive issue kasi, e," Aiza explained. The acoustic singer, however, did not want to comment on the poem his Tito Joey de Leon composed especially for the issue. (Click here to read related story.) "Kasi, hindi ko pa nakikita so hindi ako makakapag-comment. Well, Tito Joey, laging... Siguro kung feeling niya medyo hindi nga maganda, talagang may sasabihin siya. Not just with Willie, pero with other peope also. Very ano siya, e, blunt and prangka," Aiza said about the veteran comedian and TV host. Aiza: Live!, produced by Star Records, is now available in all major record bars nationwide.
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Quote:
hello there, chrissie. naku tingnan mo na yang pldt na yan. mapa technical problem sa landline or sa dsl, ang bagal ng serbisyo. there was a time tlgang nagpupuyos na ko sa galit sa kompanyang yan nung more than 8days kami wlang dialtone eh buti sana kung buong village, eh dun nga sa street namin, kami lang wala. ang dami nilang kesyo kesyo. sa dsl ganun din, parang yung 24hr tech support nga nila eh drawing lang, tlgang w/in ofc hrs lang me sumasagot sa linya. teka nga pala akala ko pwede na itry yung smart bro usb (ust editn)? pati nga sa FB eh mtgal kang nawala. si kapatid na mitch naman eh namamayagpag. at tlgang pinost pa dun na manonood sya ng concert ni Lady Gaga ngayong gabi
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
![]() ![]() |
|
||||
|
Quote:
pldt mydsl never was a problem in our place... just now... ![]() peste, sana pag-uwi ko ok na ulit ang dsl... may technician na kaninang nagpunta sa bahay e...
--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
have you ever thought, just maybe, you belong with me?
![]() ![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| GMA Network | issey | Television | 16265 | 10-01-2009 07:48 AM |
| MBC Network | imbestigador | Television | 218 | 12-26-2007 09:56 PM |
| SBS Network | imbestigador | Television | 24 | 12-15-2006 11:55 PM |
| Brain Gain Network | idunno | Science and Technology | 3 | 02-11-2006 02:12 PM |