Tsinoy.com

Go Back   Tsinoy.com Forum > Entertainment > Television
User Name
Forgot Password?
Password
Home Mark Forums Read
 
 
Thread Tools Display Modes
  #68038  
Old 07-04-2009, 10:06 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
docirene's Avatar
docirene docirene is offline
Forum Emperor
Join Date: Feb 2006
Location: muntinlupa city
Posts: 9,762
Default from psn

Tambak ang utang, Michael Jackson gumamit ng 20 alyas
FOREIGN CHIKA Updated July 04, 2009 12:00 AM


Sa sobrang dami at laki ng mga utang ng yuma*ong king of pop na si Michael Jackson, gumamit siya ng 20 alyas o pangalan para makapag-apply ng loan sa mga banko.

Sinasabi sa isang ulat ng The Sun na lumabas sa website ng Metro, para mailihim sa mga banko ang kanyang poor credit history, gumamit si Jackson ng iba’t ibang klase ng pangalan para linlangin ang mga financier.

Kabilang sa ginamit niyang pangalan ang Presi*dent Mr Michael Jackson, Michael JJJ Christ-Jehovah, Michael J Jackson ChristJeh, Michael Jackson Jehovah at Mike J Jackson.

Tinangka rin niyang gamiting unang pangalan ang Micheal and Micheel.

Samantala, naghabol na rin sa korte ang dating asawa ni Jackson na si Debbie Rowe kaya naantala ang pagdinig sa custody hearing para sa kanilang mga anak.

Hiniling ni Rowe sa pamamagitan ng abogado niyang si Eric George na i-delay ang pagdinig habang pinagdedesisyunan pa niya kung kukupkupin niya ang dalawang anak niya kay Jackson na sina Michael Joseph Jr. (mas kilalang Prince Michael), 12, at Paris Michael Katherine, 11.

Sa testamentong naiwan ni Jackson sa pagkamatay niya noong nakaraang linggo, inihahabilin niya ang kanyang nga anak sa sarili niyang ina na si Katherine. Tinanggalan niya ng karapatan si Rowe sa mga bata.

Ayon kay Rowe, nagkarelasyon sila ni Jackson para lang magkaanak ito sa kanya. Tumanggap siya ng $8.5 milyon sa pagdidiborsiyo nilang dalawa ng king of pop.

Si Rowe ay dating receptionist sa tanggapan ng dermatologist ni Jackson na naging dahilan ng pagkikilala nila.

Ang pangatlo o bunso nilang anak na si Prince Michael II, 7, ay nabuo lang sa pamamagitan ng surrogate mother.

Walang gaanong panahon si Rowe sa kanyang mga anak pero tinututulan niya ang idea na si Katherine ang kukupkop sa mga bata.

Kaugnay nito, itinakda muli ni Supreme Court Judge Mitchell Beckloff ang pagdinig sa guardianship sa Hulyo 13 dahil sa kahilingan ng magkabilang panig.

Isa pang pagdinig sa korte ang plinano sa Lunes para talakayin kung sino ang dapat mangalaga at magkontrol pansamantala sa mga ari-arian na naiwan ng yumaong singer.

Lahat ng kayamanan niya ay naiwan sa Michael Jackson Family Trust.

Maaaring paghatian ito ng kanyang ina, ng kanyang mga anak at ng mga kawanggawa para sa mga bata.

Samantala, idadaos sa Martes ng umaga sa Staples Center sa Los Angeles sa California ang isang public memorial para kay Jackson na namatay sa edad na 50 anyos dahil sa atake sa puso.

Ayon kay Randy Phillips, chief executive ng AEG Live na may-ari ng Staples Center at promoter ni Jackson, libre ang tiket para sa memorial. Hindi lang niya alam kung paano ito ipapamigay.

Nabatid na 20,000 tao lang ang kasya sa Staples Center kaya may agam-agam ang mga opisyal ng Los Angeles dahil baka umabot sa 100,000 katao ang dadalo sa memorial para sa yumaong pop star.

Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga alegasyon na gumagamit si Jackson ng mga painkiller, sedatives at antidepressants noong nabubuhay pa.

Sinabi ni California Attorney General Jerry Brown na tumutulong ang kanyang tanggapan sa Los Angeles Police para alamin kung may kinalaman sa pagkamatay ni Jackson ang mga iniinom nitong gamot.

Sinasaliksik ng Bureau of Narcotic Enforcement ang isang state database para tuntunin ang mga doktor na nagrereseta ng mga kontroladong gamot, gaano karami at kanino.

Sinabi ng isang kapatid ni Jackson na si Jermaine sa panayam ng programang Today ng NBC na masakit tanggapin kung lalabas sa toxicology report na umabuso sa gamot ang singer.

Namatay si Jackson habang naghahanda sa serye ng mga konsiyerto niya sa London sa Inglatera.

Kasabay nito, lumitaw sa na video na puspusan ang pagpapraktis ni Jackson ng song and dance routine ilang araw bago siya namatay.

Sinusuportahan ng video ang mga ulat na maganda ang kalusugan ni Jackson noong buhay pa.

Sa naturang footage, nagtanghal pa si Jackson sa Staples Center noong Hunyo 23, dalawang araw bago siya natagpuang patay. Inihahanda niya rito ang kanyang 50 serye ng concert sa London na magsisimula sana ngayong buwang ito kung hindi siya yumao.

Nakitang payat si Jackson habang masiglang nagsasayaw kasama ng isang group of performer. Naka-headset siya habang kumakanta at minsan ay binuksan niya ang kanyang jacket para lumitaw ang kanyang pulang shirt.

Sa naturang footage rin, mahusay na nagpabago-bago si Jackson ng style sa isang medley ng ilang hit song niya. Nagsimula ang video sa bahaging maharot na nagsasayaw ang pop star sa harap ng isang rock “n” roll guitarist bago nag-pause bilang dramatic effect.

Kasunod nito, dumampot si Jackson ng ilang bahagi ng isa sa kanyang greatest hit, ang Billie Jean, bago niya kinanta ang They Don’t Care About Us na isa sa kanyang controversial track na sinangkapan niya ng hip-hop influence.

Natapos ito sa isang sample ng busina ng kotse. Nagdilim sa entablado habang may boses na nag-uutos, “Hold on for applause.”

Sinasabi ng mga kasamahan ni Jackson na mahusay ang kanyang kalusugan kahit noong nagpapraktis siya ilang oras bago siya namatay. AP

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------




  #68037  
Old 07-04-2009, 10:04 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
docirene's Avatar
docirene docirene is offline
Forum Emperor
Join Date: Feb 2006
Location: muntinlupa city
Posts: 9,762
Default

Official entries in MMFF 2009 announced

Nora Calderon

Friday, July 3, 2009
08:01 PM







Isang simpleng announcement lang ang ginawa ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2009, headed by MMDA Chairman Bayani Fernando and its officers, ng eight official entries sa MMFF this year. Ginanap ang announcement sa opisina ng Metropolitan Manila Development Administration (MMDA) along EDSA, Makati City, kaninang hapon, July 3.



Ang walong pelikula na kalahok sa MMFF sa December 2009 ay ang mga sumusunod:



MANO PO 6: MY MOTHER (Regal Films) with Sharon Cuneta, direction by Joel Lamangan

NIEVES (Regal Films) with Marian Rivera, direction by Mike Tuviera

SHAKE, RATTLE & ROLL XI (Regal Films) headed by Ruffa Gutierrez

JUAN with Dolphy and Willie Revillame, script and direction by Eric Quizon

IKAW NA NGA? (Star Cinema) with Kris Aquino and Eugene Domingo, direction by Wenn Deramas

ANG DARLING KONG ASWANG (M-Zet Productions) with Vic Sotto, direction by Tony Y. Reyes

PANDAY (Imus Productions-GMA Films) with Bong Revilla, direction by Mac Alejandre

WAPACMAN (Solar Films) with Manny Paquiao, direction by Topel Lee



Kung kasama sa MMFF this year sina Senator Bong Revilla (Panday) at ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao (WaPacman) na nag-announce na ng kanilang candidacy sa coming 2010 elections, ibig sabihin ay walang ban sa kanila para mapanood hanggang sa December 31-although 10 days ang showing ng festival movies mula December 25, 2009 hanggang January 3, 2010.



Sa ngayon, halos nangangalahati na ang shooting ng Panday ni Bong dahil marami itong special effects na kailangang maagang maipagawa. This month, magsisimula na ring mag-shooting si Manny para may time siya sa kanyang training sa susunod na laban niya ng boxing sa October.



Ang Mano Po ni Sharon ang ika-anim na pelikula sa movie franchise na ito ng Regal. Samantalang ang Nieves naman ay spin-off sa episode ni Marian sa Shake, Rattle & Roll X.

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------



  #68036  
Old 07-04-2009, 09:59 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
docirene's Avatar
docirene docirene is offline
Forum Emperor
Join Date: Feb 2006
Location: muntinlupa city
Posts: 9,762
Default

Ryan Agoncillo says wife Judy Ann Santos is "a great nurse"

Mark Angelo Ching

Friday, July 3, 2009
02:34 PM

article




TV host and actor Ryan Agoncillo was very accomodating to reporters last Wednesday, July 1, in a press con held in Ascend Bar in The Fort for PLDT myDSL QIK kit. He said he was very eager to go back to work after getting over a case of throat infection last week, which left him very sick and unable to attend to his commitments.



"Oo, last week, tinamaan ako ng throat infection, e. Buti na lang throat infection siya at hindi siya yung kinatatakutan nating H1N1. Natatakot din ako dun... the doctors said throat infection. Okay naman, di naman ako na-confine," Ryan said to PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of the entertainment press.



The Talentadong Pinoy host said he stayed home the whole period. His wife, Judy Ann Santos, who will play as a nurse in ABS-CBN's new primetime darama series titled Narserye, attended to his needs.



"Siya ang nag-alaga sa akin the whole time last week. Buti na lang wala silang taping ng Narserye last week kaya siya yung naging nurse ako," the actor said.



But how good was Judy Ann as a nurse?



"Magaling, magaling, magaling. Medyo nahiya lang ako sa kanya dahil in the middle of the night, she has to wake up para gisingin din ako, dahil round-the-clock yung gamot... Masarap nurse mo napakaganda!" Ryan said with a laugh.



HAVING A BABY. The reporters also asked Ryan if he wants to have a baby boy more than a baby girl. According to the George and Cecil lead actor, he does not prefer any gender as long as they will have a healthy child.



"Ako, basta malusog, kahit na lalaki o babae, basta malusog na bata ang ibigay sa amin ng Diyos," Ryan said, adding that they already have chosen several names for the child, which they want to keep in secret for now.



"Meron na kaming kaunting napag-uusapang names, pero sa 'min na muna yun. Siyempre mahirap nang maudlot, di ba? I'm sure magtse-change pa 'yan kapag nandiyan na yung baby," he explained.



But is Judy Ann already pregnant?



"Naku, di ko alam! Sana!" Ryan replied jokingly.

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------



  #68035  
Old 07-04-2009, 09:58 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
docirene's Avatar
docirene docirene is offline
Forum Emperor
Join Date: Feb 2006
Location: muntinlupa city
Posts: 9,762
Default

Richard Gomez explains his surprise appearance in Wowowee

Archie de Calma

Friday, July 3, 2009
02:34 PM

article




First "out-of-the-box" film na masasabi ng aktor na si Richard Gomez ang Bente, ang huling pelikula sa Sine Direk series ng Directors Guild of The Philippines, Inc. (DGPI) at APT Entertainment ni Tony Tuviera. Generally, it was a good experience for Goma. Inulan ng papuri mula sa mga manonood at kritiko ang nasabing pelikulang idinirek ni Mel Chionglo pagkatapos ng special screening nito kagabi, July 2, sa Podium.



"Hindi ko pinanood ang editing. Mas ginusto kong panoorin ang final cut. I'm very happy about it. Maganda ang pagkakagawa, not because kasama ako sa movie. Proud talaga ako na tinanggap ko ito," sabi ng aktor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the screening.



Ito na ba ang simula ng pagpapatianod niya sa indie cinema?



"Depende pa rin sa material," ani Goma. "First time kong nabasa ang script nito, umoo na agad ako. Kahit walang bayad. Gusto ko kasi ang project. Sabi ko kay Mel [Chionglo], hindi na niya ako kailangang pilitin. Okey na agad sa akin."



Dinagsa si Goma ng scripts na ipinadala sa kanya sa kanilang bahay. Namimili siya ngayon sa mga ito kung ano ang susunod niyang uumpisahan.



WOWOWEE APPEARANCE. Kahapon naman sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee, bigla na lang lumitaw si Goma roon nang hindi inaasahan ng mga manonood. May mga nagtatanong ngayon kung hudyat na ito ng pagbabalik niya sa Kapamilya network.



"Close friend ko si Willie [Revillame], noon pa," banggit ni Goma. "That day, nagkataon na nandoon ako sa studio, binisita ko siya. Parang promo na rin para sa Bente, I grabbed the opportunity.



"Tumawag ako sa kanya. Sabi niya, sige raw, dumaan na ako. Siya lang ang dadalawin ko, pero tinawag na niya ako sa harap ng kamera. Pinaalam pa niya. Ako pa? Wala namang problem doon. Hindi pinlano. Wala akong dinalaw na ABS-CBN executives. Si Willie lang talaga. Puro text lang kami, hindi naman kami nagkikita. Nagkasakit siya. I just wanted to see him kung okey siya.



"Wala namang deal na magtatrabaho ako sa ABS-CBN. But, you know, walang magiging problema kung may ganoong trabahong iaalok sa akin. Not for anything else, 14 years akong nagtrabaho sa Kapamilya network noon, walang masama kung dumalaw ako sa kanila once in a while," paliwanag niya.



Pero wala raw offer ang Dos sa kanya. Alam kasi nila na may commitment pa si Goma sa GMA-7.



"I'm doing Family Feud sa GMA," paglilinaw niya. "Pagkatapos ng Hole in the Wall, babalik ang Family Feud. Dalawang seasons yun. Kinuha nila ang rights sa Fremantle ng dalawang shows na yun, tig-dalawang seasons. Kung hindi man nila gawin yung show, they still have to pay for it. So, they might as well do them na lang, di ba? Hindi akalain ng GMA-7 na magiging maganda ang response ng mga tao sa Family Feud."



Pagkatapos ng All About Eve, wala munang susunod na series si Goma. Nag-pinchhit lang siya one time sa Are You the Next Big Star? nang magkasakit si Regine Velasquez. Ipinaalam nga sa kanya na may sakit si Regine, umokey naman agad si Goma.



September pa ang simula ng taping ni Goma para sa Family Feud.

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------



  #68034  
Old 07-04-2009, 09:57 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
docirene's Avatar
docirene docirene is offline
Forum Emperor
Join Date: Feb 2006
Location: muntinlupa city
Posts: 9,762
Default

Star Magic dismisses text rumor that model-actor John James Uy was involved in a car accident

Dinno Erece

Friday, July 3, 2009
11:31 AM


article




John James Uy is alive.

Nakatanggap ng isang text message ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na nasangkot daw ang model turned actor sa isang major car accident noong isang gabi sa EDSA-Ayala.

Sabi din sa text, "He was with an unknown girl and they were rushed to Makati Medical Center.

Ipinadala ng PEP ang text message kay Tess Gubi ng Star Magic at mabilis naman ang naging sagot nito: "Nope. Not True. Spoke to him kanina, he's okay resting after Your Song taping. May nag-text brigade ng ganyan, di niya alam kung saan nanggaling."

Si John James Uy ay ang male second runner-up sa kaisa-isang reality model search show ng Bench in cooperation with ABS-CBN, ang Be Bench kung saan nanalo si Carlo Guevara. Miyembro rin siya ng all-male group na Coverboys.

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------



  #68033  
Old 07-04-2009, 09:00 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
ngetpa22's Avatar
ngetpa22 ngetpa22 is offline
Tsinoycaholic
Join Date: Apr 2006
Location: Sam's Room
Posts: 3,907
Default

hALLER kapams ( uber sa mother chrissie mode)


watch na lang kayo nito, sa August 12 na...

http://www.youtube.com/watch?v=_On2sG9RF5Q
http://www.youtube.com/watch?v=_On2sG9RF5Q

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------






  #68032  
Old 07-04-2009, 08:58 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
ngetpa22's Avatar
ngetpa22 ngetpa22 is offline
Tsinoycaholic
Join Date: Apr 2006
Location: Sam's Room
Posts: 3,907
Default

Quote:
Originally Posted by manephesz
nasilip ko ung cast nung rosalinda...masuka suka ako sa cast!!! grabee...todong babuyan na ba ito???

si valeria...sheryl cruZ?!?!

ang maladiosang si fedra...katrina "retoke" halili??? dapat nga mukang sosyal si fedra...hindi mukang japayuki!

ung gwapong beto....mart escudero?? nakita ko ung picture...eh totoy na totoy...dapat diba maskulado un?!

si lucy...josmeo...di ko kilalang babae...mukang retarded!

si soledad...glydel mercado?? parang dapat cia si valeria..sa tapang ng muka nya

hayyyyyyyyyy....nakakainit ng dugo...!! i hate abs for letting rosalinda go!!! at binababoy na ng kabila!!!

<super highblood mode>


May TAMA ka jan, ang chaka ng cast... lalo na yung leADS nila...

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------







Last edited by ngetpa22 : 07-04-2009 at 09:08 AM.
  #68031  
Old 07-04-2009, 04:29 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
manephesz's Avatar
manephesz manephesz is offline
Tsinoy.com Addict
Join Date: Aug 2004
Posts: 1,037
Default

Buti na lang may Maria De Jesus na sa Monday!!!

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
1st Kapamilya Tsinoyers Station ID!!!!
  #68030  
Old 07-04-2009, 04:28 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
manephesz's Avatar
manephesz manephesz is offline
Tsinoy.com Addict
Join Date: Aug 2004
Posts: 1,037
Angry

nasilip ko ung cast nung rosalinda...masuka suka ako sa cast!!! grabee...todong babuyan na ba ito???

si valeria...sheryl cruZ?!?!

ang maladiosang si fedra...katrina "retoke" halili??? dapat nga mukang sosyal si fedra...hindi mukang japayuki!

ung gwapong beto....mart escudero?? nakita ko ung picture...eh totoy na totoy...dapat diba maskulado un?!

si lucy...josmeo...di ko kilalang babae...mukang retarded!

si soledad...glydel mercado?? parang dapat cia si valeria..sa tapang ng muka nya

hayyyyyyyyyy....nakakainit ng dugo...!! i hate abs for letting rosalinda go!!! at binababoy na ng kabila!!!

<super highblood mode>

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
1st Kapamilya Tsinoyers Station ID!!!!
  #68029  
Old 07-04-2009, 03:34 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
chrissiewoods's Avatar
chrissiewoods chrissiewoods is offline
Forum Emperor
Join Date: Jun 2004
Location: Hottie Heaven
Posts: 14,019
Default

my gulay...

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
have you ever thought, just maybe, you belong with me?
  #68028  
Old 07-04-2009, 01:49 AM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
chrissiewoods's Avatar
chrissiewoods chrissiewoods is offline
Forum Emperor
Join Date: Jun 2004
Location: Hottie Heaven
Posts: 14,019
Default

aba walang tao?!

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
have you ever thought, just maybe, you belong with me?
  #68027  
Old 07-03-2009, 07:10 PM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
chrissiewoods's Avatar
chrissiewoods chrissiewoods is offline
Forum Emperor
Join Date: Jun 2004
Location: Hottie Heaven
Posts: 14,019
Default

TV Patrol World: PGMA had a boob job?!


it is rumored that she had breast implants that's why she stayed in asian hospital for supposed quaratine for a(h1n1)... whatta joke

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
have you ever thought, just maybe, you belong with me?
  #68026  
Old 07-03-2009, 05:37 PM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
chrissiewoods's Avatar
chrissiewoods chrissiewoods is offline
Forum Emperor
Join Date: Jun 2004
Location: Hottie Heaven
Posts: 14,019
Default

Quote:
Originally Posted by graise
ahmm tech support chrissie? panu ba iadd un chat sa facebook? waaah!! la talaga ko alam sa facebook.. hehe
nasa statusbar na agad yung chat di ba? sa akin kasi, click ko lang yung chat ok na...

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
have you ever thought, just maybe, you belong with me?
  #68025  
Old 07-03-2009, 05:36 PM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
graise's Avatar
graise graise is offline
Tsinoy.com Addict
Join Date: Dec 2005
Location: Pasig City
Posts: 2,267
Default

out na ko mga kapams! sa uulitin!!

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
  #68024  
Old 07-03-2009, 05:24 PM - Read posts from May 2002 to Feb 2005 about ' ABS-CBN Network ' here. Upload a photo here.
graise's Avatar
graise graise is offline
Tsinoy.com Addict
Join Date: Dec 2005
Location: Pasig City
Posts: 2,267
Default

ahmm tech support chrissie? panu ba iadd un chat sa facebook? waaah!! la talaga ko alam sa facebook.. hehe

--------------------------------------------------------- signature limited to 750 x 100 ---------------------------------------------------------
 


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
GMA Network issey Television 16265 10-01-2009 07:48 AM
MBC Network imbestigador Television 218 12-26-2007 09:56 PM
SBS Network imbestigador Television 24 12-15-2006 11:55 PM
Brain Gain Network idunno Science and Technology 3 02-11-2006 02:12 PM


All times are GMT +8. The time now is 08:29 AM.


Powered by: vBulletin Version 3.0.5
Copyright ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.
Copyright 1998 - 2006, Tsinoy.com