Buong pamilya ni Pacman lalabas sa TV commercial!
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis Updated July 15, 2009 12:00 AM
Sold out na pala ang mga Victorinox watch ni Manny Pacquiao kaya hindi na siya nag*karoon ng presscon.
Isang libong relo na limited edition ang ginawa ng Victorinox para kay Manny pero ma*bilis na naubos ang relo. Ganyan ka-in demand ang mga produkto na ini-endorso ni Manny.
Mabuti na lang, nagkaroon ako ng Pacquiao Victorinox watch bago ito naubos. Kung matatandaan ninyo, ikinuwento ko sa inyo na naharbatan ko si Manny ng relo nang magkita kami noong nakaraang buwan sa coffee shop ng EDSA Shangri-La Hotel.
Kung hindi ko naharbatan si Manny, hindi ako magkakaroon ng collector’s edition watch na sadyang ginawa ng Victorinox para sa kanya.
* * *
Malapit nang ipalabas ang TV commercial ng Pacquiao family with the special par*ticipation of Mommy Dionisia.
Hindi pa puwedeng sabihin ang name ng produkto pero kasali sa TV commercial ang mga anak nina Jinkee at Manny.
Malaki ang tiwala ng mga advertisers kay Manny dahil talagang bumebenta ang mga product endorsements niya.
Magpapatalbog ba si Jinkee? Hindi, dahil sa susunod na buwan, isang malaking presscon ang ipapatawag ng Belo Medical Clinic para kay Jinkee.
Si Jinkee ang endorser ng isang Belo product na malaki ang naitulong sa kanyang mabilis na pagpayat. Seksing-seksi na uli si Jinkee matapos nitong isilang ang pang-apat na anak nila ni Manny dahil sa tulong ni Dr. Vicki Belo.
Palaging shorts ang suot ni Jinkee mula nang pumayat siya. Eh ang ganda-ganda ng kanyang legs at if you have it, flaunt it ’no!
* * *
Maghapon akong nagtulog noong Lunes kesehodang nasa Singapore ako. Hin*di na ako su*mama sa Night Safari tour dahil mas inatupag ko ang pag*papahinga.
Kahapon naman, rumampa lang ako sa supermarket para bumili ng mga prutas dahil type na type ko ang matatamis na mangga sa Singapore.
Hindi na ako namasyal sa Orchard Road porke nag-concentrate ako sa panonood ng TV.
Nasa ibang bansa man ako, updated ako sa mga showbiz happenings sa Pilipinas dahil sa mga kuwento ng mga kasama ko na aligaga sa texting at pagkal*kal sa kanilang mga laptop.
Wala akong alam tungkol sa Facebook at Farmtown pero ito ang favorite topic ng aking mga kasama kaya malapit na akong maka-relate sa kanilang favorite past time.
* * *
Nag-declare na pala si Senator Loren Legarda ng candidacy sa pagka-presidente ng ating bayang magiliw.
Very close si Mama Loren kay Mother Lily Monteverde kaya siguradong suportado ni Mother ang kanyang kandidatura.
Love na love ni Mother Lily si Mama Loren. Palaging nagpapatawag si Mother Lily ng presscon para kay Mama Loren kapag kumakandidato ito. Parang si Mama Loren ang panganay sa kanyang mga anak kaya naman laging present ang senadora sa mga special events sa buhay ni Mother Lily.
Hindi ako magugulat kung magkaroon si Mama Loren ng special participation sa mga pelikula na ginagawa ni Mother dahil ibibigay nito ang lahat ng suporta para sa kanyang favorite senator.
***************
talo namin ni lola techie si lola lolit. ako nga ngayon ay di lang basta addicted sa FB, pati na din sa SUPERPOKE PETS.