Tsinoy.com Forum

Tsinoy.com Forum (http://www.tsinoy.com/forum/index.php)
-   Television (http://www.tsinoy.com/forum/forumdisplay.php?f=38)
-   -   Dyosa (http://www.tsinoy.com/forum/showthread.php?t=9445)

stan19 05-09-2008 06:55 PM

Originally Posted by .iSTARIRAY



c/o Dyosa Blog

Ate 05-09-2008 11:35 PM

Quote:
Originally Posted by stan19
By: Tonee Coraza

Ipinakita ang sneak teaser ng bagong teleserye ni Anne Curtis na Dyosa sa naturang concert ni Richard Poon.

Nakaloloka, kasi may ipinakitang babaing mahaba ang buhok na hubo’t hubad na nakatalikod habang naglalakad sa isang gubat.

Nagulat na lang ang lahat nang biglang humarap ang naturang napakaseksing babae at si Anne Curtis pala ‘yun.

Aba, talbog ang drama ni Marian Rivera sa Dyesebel.

Malamang pagkatapos ng Maligno ni Claudine Barretto ay ang Dyosa na ni Anne ang isasalang ng ABS-CBN.

So, ang totoong magiging katapat ni Marian ay si Anne. Aba, magandang ‘giyera’ ito dahil labanan talaga ito ng paseksihan.

http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=58404



Ok na sana si Tonee, kaso biglang ikinompare sa isang M----- R-----. Wag naman di naman mukhang showgirl si Anne e. Ka gandang bata nga e!

Johnston 05-11-2008 04:37 PM

Excited na ako dito!!

jedie 05-13-2008 09:56 PM

I am really excited for this...Go Anne!! I really like you a lot..You and Papa Sam...:)

Good luck sa Diosa...

ekLim 05-15-2008 11:22 PM

Quote:
Originally Posted by stan19
By: Tonee Coraza

Ipinakita ang sneak teaser ng bagong teleserye ni Anne Curtis na Dyosa sa naturang concert ni Richard Poon.

Nakaloloka, kasi may ipinakitang babaing mahaba ang buhok na hubo’t hubad na nakatalikod habang naglalakad sa isang gubat.

Nagulat na lang ang lahat nang biglang humarap ang naturang napakaseksing babae at si Anne Curtis pala ‘yun.

Aba, talbog ang drama ni Marian Rivera sa Dyesebel.

Malamang pagkatapos ng Maligno ni Claudine Barretto ay ang Dyosa na ni Anne ang isasalang ng ABS-CBN.

So, ang totoong magiging katapat ni Marian ay si Anne. Aba, magandang ‘giyera’ ito dahil labanan talaga ito ng paseksihan.

http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=58404



Anne at Marian. labanan ng mga mestisa! yoko pa rin...

Ate 05-16-2008 01:43 PM

Quote:
Originally Posted by ekLim
Anne at Marian. labanan ng mga mestisa! yoko pa rin...


Wag naman si Anne ang icompare.........pwede naman si Rosanna Roces na lang at tsaka si Marian....mas bagay o kaya si Ethel booba. Ano ba?!

stan19 05-17-2008 10:00 AM

HINDI GINAWA ANG “DYOSA” PARA LANG MAGING SIRENA SI ANNE!
Written by Gina Marissa Tagasa

Kanya-kanyang akusasyon ang dalawang higanteng network sa kung sino ang nanggaya kanino. At ang latest issue nga ay ang diumano’y panggagaya daw ng ABS -CBN fantaseryeng “DYOSA” ni Anne Curtis sa “DYESEBEL” ni Marian Rivera sa GMA. In fairness to ABS, wala pa sa ere ang “Dyesebel,” pinagkaabalahan na itong itinayo ng kanilang Creative team. Kung sinabi man ni Anne Curtis sa kanyang mga interviews na na-frustrate siya nang hindi napunta sa kanya ang Dyesebel dahil matagal na niya itong pangarap gawin, hindi nangangahulugang binuo ang “DYOSA” para pagbigyan lamang si Anne sa kanyang SIRENA DREAM. Partly, maybe. Pero hindi pwedeng idikta ng isang artista ang konseptong gagawin ng isang Network para sa kanya. May mga screening committee pang pinagdaanan ang konsepto upang matiyak lamang na hindi ito kopya o pag-uulit lamang ng mga nakaraang serye na ng ABS. Sumailalim muna ito, siyempre, sa “Quality Control” mula script, cast, production values at pagsasalin sa biswal.
DYOSA has its own merits—it’s neither a remake nor a komiks series. It’s original at Pinoy na Pinoy dahil ang pagmumulan ng kwento ay hango sa Filipino mythology. Naniniwala ang ABS na bagay si Anne Curtis na gampanan ang isang Dyosa dahil maganda, matalino, may tindig: Taglay ang pinaghalong innocence and sensuality. With due respect to the creator of “Dyesebel,” ang kwentong umibig ang isang sirena sa isang manlalakbay na kamuntik nang malunod at kanya itong iniligtas ay hindi rin naman nalalayo sa kwento ng “The Litte Mermaid.” But it would be unfair kay Mars Ravelo kung pagdududahan naman natin siyang “nangopya” din dahil alam naman nating isa siyang Henyo ( na siya ring lumikha ng “Darna” at “Captain Barbel”).
Ang “Dyesebel” ay isa ng Pinoy classic at gaya ng Darna, marami na rin namang gumawa nito. Ang pagiging sirena ni Anne sa fantaseryeng “Dyosa” ay isa lamang sa tatlong iba-iba niyang anyo. Taglay ang kapangyarihan ng tatlong elemento—lupa, hangin at tubig. Hindi ganito ang Dyesebel. ‘Yun ang kaibahan niya kay Marian. Maging ang pagkakaroon ng dalawang unang letrang “Dy” (Dyesebel at Dyosa) ay hindi rin sinadya. Ang original title nito ay “Diosa” pero dahil wala namang letrang I at O sa tagalog, minarapat ng Creative team na gawin itong “Dyosa.” Dyosa simply means GODDESS. At gaya ng isang sirena, diwata at engkantada, alam nating likha rin ito ng malilikot nating imahinasyon. Kahit si Mariang Makiling ay isang folkloric icon na binuhay lamang ng pagmamahal natin sa mga kwentong-bayan.
Nakakaaliw basahin at pakinggan ang pagtatalo ng maka-ABS at maka-GMA sa Pinoy Exchange (sa internet) hanggang sa mga comments sa YOU TUBE. Sabi ng kampo ng GMA, gaya-gaya daw ang ABS sa Dyesebel. Sagot naman ng maka-ABS, ito daw ang orig dahil nauna raw si Claudine Barettong nag-sirena sa “MARINA,” binaboy pa nga daw ito ng GMA nang ini-spoof ni RUFA MAE QUINTO sa kwelanovela nilang “MARINARA.” Sino ngayon ang nanggaya? Ang Marina ni Direk Wenn Deramas ay ang unang FANTASY soap. It was not “MULAWIN” nor “ENCANTADIA.” But thanks to these two fantasy soaps dahil lumaban nang husto ang GMA. Ergo, ABS ang nagpasimuno ng FANTASERYE. Ang ABS din ang nagpasikat sa F4 nang maging hit ang Chinovelang “Meteor Garden.” Nauso ang KOREAN soaps. Namalengke ng sandamakmak na Koreanovelas ang GMA, ganundin ang ABS. Pero mukhang mas magaganda ang nakukuha ng GMA dahil naging hit ang Winter Sonata, Stairway to Heaven, Full House, Jewel In The Palace at Coffee Prince. ‘Di naglaon, sinubukan ng GMA na magpaka-Koreanovela sa pamamagitan ng “Forever in My Heart” ni Regine Velasquez at Richard Gomez na ‘di rin naman nakuha ang kilig factor ng Korean telenovela. Hindi naging masaya ang ratings ng “Forever.”
Nang maging hit ang MULAWIN, unti-unting umangat ang ratings ng GMA. At nasundan na nga ito ng marami pang fantasy series habang ang ABS ay bumalik ulit sa Drama kung saan sila magaling at de klaseng gumawa. Namayagpag ang mga fantaserye sa GMA dahil naging ESCAPISTS na ang mga Pinoy, gusto na lang takasan sa isip ang maraming problema ng bayan. The rest is history for GMA. Ang BINTANG NA PANGGAGAYA sa panig man ng ABS o GMA ay wala talagang basehan. Sa isang industriyang umaapaw sa REMAKES, ADAPTATIONS, FORMULA PLOTS, PAULIT-ULIT NA KWENTO, INSPIRED BY THIS –AND- THAT-FILM or FOREIGN SERIES, at marami pang hiram na ideya, tumayo ang hindi guilty at siyang dumampot ng unang batong ipupukol sa GUILTY NG PANGGAGAYA. Aber nga po…



TAG QUOTE: “Time invested in improving ourselves cuts down on time wasted in disapproving of others.”-Leona Green
http://pinoyparazzi.com/71/tagasa.html

inuyasha25 05-17-2008 08:09 PM

Quote:
Originally Posted by Ate
Wag naman si Anne ang icompare.........pwede naman si Rosanna Roces na lang at tsaka si Marian....mas bagay o kaya si Ethel booba. Ano ba?!


pwede naman si keanna reeves! di ba? Huwag ganun...ibang level si Anne!

ekLim 05-17-2008 10:06 PM

nagvolunteer si roxanne ginoo sa tv patrol.. siya raw ang kakalaban kay marian rivera, payag ba kayo don people!!

bluemoon164 06-10-2008 01:40 PM

grabe ngayon ko lang to nabasa!!!!!:D
may pumasok na malansang ISDA hahaha

grandmasterson 06-10-2008 05:09 PM

Ha?! Sa Say What ata ito dun sa Shoutbox! :D

manephesz 06-11-2008 02:34 PM

maganda ung mermaid scene sa teaser...atleast lumalangoy talaga si Anne Curtis...hindi katulad ng iba jan na puro giling at imagination lang ang pinairal

ang pangit lang ng centaur at harpy...nakakainis!

patayin si Wenn Deramas!!!

grandmasterson 06-11-2008 03:46 PM

medyo weird talaga ang trailer nito ...

grandmasterson 06-11-2008 03:47 PM

Quote:
Originally Posted by manephesz

patayin si Wenn Deramas!!!


DYOSA po ang title nito!! haha! :D

EVA FONDA parin on PRIMETIME!!!

chorva31 06-11-2008 06:26 PM

Hah hah hah!!!


...yiiiiii,pinansin nila ako :D DI PALA SIKAT YUNG SINISIRA NYO AH E BAT PINAGAAKSAYAHAN NYONG PANSININ,YAN TULOY TUMULONG PA KAYO SA LALO NYANG PAGSIKAT NANG BONGGANG-BONGGA HAH HAH HAH!!! :D


All times are GMT +8. The time now is 09:28 PM.

Powered by: vBulletin Version 3.0.5
Copyright ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.